Frequently Asked Questions
You’ve got questions, we’ve got answers
Need more answers?
Isa itong service sa Maya Business app. Sa service na ito, pwede kang mag-apply ng loan mula ₱500 hanggang ₱3,000. Para naman ‘di ka mahirapan, pwede mo itong mabayaran sa loob ng 7 days.
Ang iyong matatanggap na loan ay manggagaling sa Maya Bank.
Ang mga pre-qualified Maya Business app user lamang ang pwedeng mag-apply ng InstaCash base sa criteria ng Maya Bank.
Para maging pre-qualified ka to apply for InstaCash, kinakailangan na:
- Ginagamit mo ang Maya Business app nang at least 1 month.
- May maganda kang record at credit standing.
Kapag ikaw ay naging pre-qualified, makatatanggap ka ng SMS notification mula sa Maya Bank
Kung qualified ka to apply for InstaCash, sundin ang mga sumusunod:
- I-press ang Wallet.
- Piliin ang Loans
- Piliin ang InstaCash
- I-press ang Apply.
- Pumili ng purpose ng iyong InstaCash at i-tap ang Next.
- Basahin at intindihin ang Truth and Transparency in Lending bago i-press ang Accept.
- I-review ang iyong application details bago i-press ang Confirm.
- Basahin at intindihin ang Negosyo Loan Agreement with Maya Bank at i-tap ang Accept.
- I-enter ang One-Time Pin (OTP) na ipinadala sa iyong Maya Negosyo registered cellphone number.
- Application submitted! Pwede mong i-check ang status ng iyong application sa InstaCash tab.
Within 5 minutes lang ang pag-process ng application. I-press ang "Check Status" para makita ang status ng iyong application.